Skip to main content

ANTI - TETANUS SHOT

Hot Afternoon everyone! 


So eto nag papagaling na ako today dahil nung nakaraan na pako yung paa ko accidentally sa labas ng condo. Ang aga aga, sinundo kasi niya ko para mag date kami. 

papunta kami ng parking ni Baby tapos bigla nalang may nafeel akong tumusok sa paa ko, nakita ko nalang na may pako na sa shoes ko. 

So ang itsura, napako yung sapatos ko sa paa ko. hehe! (disgusting) 

tinry kong hinatak pero naka baon, hindi ko nahatak. napaiyak na ako. Nung nakita ako ni Mark hinatak niya yung nasa paa ko tapos biglang ang laki, nangangalawang at ang haba ng pako sabay dugo ng dugo. literal na tumutulo yung dugo sa paa ko.

Ang layo pa kasi ng parking sa nilakaran namin so sabi niya mag stay lang daw ako dun saglit at kukuhain niya yung kotse dahil tumatagas na nga yung paa ko sa dugo. hehe!

Tinulungan ako ng ibang concern citizen malapit sa condo buti nalang may tubig sila naghugas na ako ng paa, kaya lang hindi na ako makalakad.

Naghugas nako niyan kaya lang tumatagas padin talaga yung dugo.


Sumakay nako ng kotse, tapos naghanap na kami ng malapit na ospital, kaya lang baka i-admit ako agad sa Medical City so nag research muna kami kung san yung medyo mura or free. 

Sarado yung mga center nearby, tska medyo unsure doon kasi sayang oras kung sakali. 

So pumunta kami ng San Lazaro, nahuli nga kami ng MMDA pero hindi nalang namin pinansin kasi emergency nga. pag dating namin doon. napaka daming tao na nakapila dahil na aksidente, duguan, walang first aid. 

Ang layo ng lakaran so ika ika talaga ako. Ayaw ko naman magpabuhat kasi naman ang bigat ko haha!! 

So sabi, admit daw ako ng 1 day dahil wala na daw doctor doon na pwedeng mag assess saakin. Dala dala ko pa nga yung pako at kailangan ko talaga ng Anti-Tetanus. 

So lumipat kami sa ibang ospital, sa tapat non andun kami sa Jose Reyes Memorial Center. Eksena naman dun madaming doctor, madami din patient. Inasikaso ako agad, binigyan ako ng record yun lang yung gamot is kailangan ako ang magprovide dahil wala sila non. 



Kinakausap ako ng Dr. picture ng picture si Mark! (kainis) haha

Haha! sorry for the smiley, I was crying kasi kaya tinakpan ko. so tinest sa kamay ko which medicine yung mas hiyang ako. kasi pag ndi daw okay sakin, magkakaroon ng skin reaction dahil matapang yung mga gamot. 

bumili na ng gamot si Mark, may yelo pa nga kasi kailagan nasa malamig na lalagyan yun.

first medicine, tuturok palang. haha!

See my reaction sa needle? sobrang sakit talaga :( I cried after. buti nalang andyan si Mark at hindi ako iniwanan!

PINIPICTURAN NGA LANG AKO! HAHA!


Medyo late na din siguro mga 1pm na ndi pa kami kumakain ng breakfast at lunch parehas na kaming gutom. 

Masakit pa din pero buti medyo kalma yung doctor, pero masakit padin

Masyadong thick yung gamot, so kailangan medyo dahan dahan yung paglagay. 

Inaantay ko nalang si Mark dumating, kinuha yung kotse kasi nga hindi ako makalakad.
w/ my pandora <3 haha!


Ngiting Tagumpay! Kumain kami sa banawe ng brunch around 3 / 4pm na.
mukha akong bagong discharge sa ospital. may bulak pa sa kamay! haha!

Injection Effect :( 


Salamat sa lahat ng nag-pray for my fast recovery :) 

Comments

Popular posts from this blog

Baby's gift

Hi Everyone! I'm so HAPPY now!  Finally, we have symbol of our love for 3 years already . Nakakalungkot na nakakatuwa kasi before niya ibigay is he's waiting for me sa lobby ng office ng super tagal, then he asked me if I can come with him sa Pandora in Greenbelt. I told him pwede naman.  Pinapili niya ako, since I'm too shy to pick since ndi naman ako bibili umalis din kami agad. balak namin mag dinner sa condo kaso super late na kami nakauwi dahil traffic sa edsa. So habang nag kwekwentuhan kami,  bigla niyang  sinabi na  "OPEN MO BAG KO."  sabi ko naman, "Bakit? sabi niya "Open mo na" so pag bukas ko. nakita ko yung Pandora at sobrang saya ko haha!!  Niyakap ko siya ng mahipit at sinabi ko sakaniyang Thank you and Sorry sa lahat with Mahal na mahal kita. Sabi niya, mahal na mahal din daw niya ako kaya binilhan niya ako ng Pandora as a sign of our love to each other. Lagi ko daw yon susuotin.  Dog dahil daw m...

Off to Pampanga

It was a tiring day ahead.  Around 12 noon sa work, habang medyo pagod at ang dami iniisip. Someone texted me...  Hulaan niyo? haha! It's Baby's time! Tada!  Tinext niya ko na papunta daw siya ng Pampanga to overnight at may client daw siyang pupuntahan.  So sabi ko, Ingat nalang siya.  Sinagot ako, "Hindi kaba sasama?" Somehow, nagiisip ako kung paano. so sabi ko "Paano, eh OTW kana dyan?"  sabi niya, mag search daw ako ng bus... haha!  so ayan, tinigil ko ang work ko at nag start ako mag check ng bus na aabot ako sa Pampanga. Traffic sa Edsa + prepare ko pa gamit ko + ligo pa ako, so anong oras kaya ako makakarating??  Nag uber nako hangang Cubao, Good thing umabot ako. So sinundo niya ko sa bus terminal.  First time ko mag bus going to Pampanga hahaha! buwis buhay grabe at naninigas nako sa bus!!! Muntik pakong makatulog ng bonga kasi mga 12mn na yun. So ayun, kumain kami sa B & B Grill sa Angeles, a...